Kuha noong April 24, 2010.
Picture
Picture
Picture
 
February 6, 2010. Walker debut. Tulo ang sipon at luha dahil ayaw niya pa kunwari sa unang sakay. Ngayon, ang walker na ito ay kailangang itali sa kung anong matibay na makakapitan dahil kung saan saang sulok gusto magsuot ni Potling.

Joy ride! Papunta sa lahat ng delikado - CPU tower, adaptor, water dispenser (HOT and cold). Ayon sa Lolo Papa at Lola Mama, may mga pagkakataong pumupunta si Potling sa pinto - malayo ang tingin, gustong lumabas! Diyoskolord.
Picture
Picture
 
Picture
Sa birthday ni Lola Mama. Ang unang tikim ni Potling ng icing ng chocolate cake.
Picture
 
Picture
The past couple of weeks made so many dreams come to life. Kasama riyan ang maipatikim kay Potling ang iilang putahe na alam kong lutuin. Ito ang the first's na mga ulam na luto ko na kinain ni Potling:

04/04/10 - adobong manok with atay ng manok
04/10/10 - tinolang manok
04/11/10 - ginisang repolyo with cauliflower and somekinda special sauce

Habang tumatagal, mas lumalakas na ang loob namin na pakainin si Potling ng mga lafang na kami lang dati ni Dadda ang nangangahas kumain - sad to say, kasama rito ang carinderiah carey food kapag hindi ako nagluluto.  Siyempre off limits pa rin siya sa ice cream (under negotiation pa ang hot fudge ng McDo - yung white lang na part Dadda please?) at chocolate cake. I can't wait na dumating ang panahon na no restrictions na. Pero matagal pa raw yun.

For now... kelangang mas dumami pa ang alam kong lutuing gulay. Hindi na masaya masyado si Potling sa purely steamed steamed vegies "meal" lang. Gusto niya na ng full meal na compliant sa kapanatag food pyramid. Maraming gulay, konting carbs (kanin) at konting himay-himay na karne.
 
It's one of the first three dresses we bought for Potling (yung dalawa ginamit sa binyag niya). Ito rin ang suot na damit ni Potling noong binutasan ang kanyang tenga para sa hikaw. Therefore, ito ang una niyang kikay outfit.

Malapit na hindi kumasya. Buti na lang may pekatyurs na.
Picture
 
Big issue of the week. Lumalabas na nang tuloy-tuloy ang unang ngipin ni Potling. Sinisinat, umiiyak, nagwawala. Kawawa naman. Pero mas kawawa naman ang tao kung tumanda na walang ngipin kaya tiis na lang anak.
Picture
Hindi ito picture ni Potling. Pero ganitong ganito ang puwesto ng ngipin na tumutubo. Nahawakan ko na!!!
 
Ilang kaganapan bago ang mga kandila'y nahipan.
Picture
Naistorbo sa laro, ayaw pa mag-cooperate sa mga kaganapan.
Picture
Nakakita ng camera, medyo umokey na.
Picture
Dito, gusto na niyang dambahin ang cake at kandila.
Picture
Potengsh Family (Mga Ka-Nguso!)
 
Black Saturday. Very good lang ang Potengsh family. Sugod sa mall for the party supplies and outfit ni Potling for her birthday party-let. The itinerary was quite simple.

Toy kingdom to buy gifts for Ate Chloe, Potling's playmate, and Potling
SM Department Store for Potling's outfit
Grocery for party supplies

Of course, may mga on-the-side activities. Gaya ng...

Pagbabalik ni Potling sa Max's kung saan siya bininyagan!

It's not the same branch though. Pero still, this is Max's. And this is her first dine-in experience.

Behave si Potling sa high chair. Hindi umiiyak, hindi nagmamaktol. Kung sino-sino lang ang nginingitian. At medyo nakaka-shy lang ang pagka-friendly ni Potling dahil nakatitig siya sa family na nasa kabilang table madalas. Sabi nga ni Dadda ay ilipat ko na raw ng mesa at mukhang gusto mangapitbahay.

Love ni Potling ang Soup of the Day. Halos maubos niya ang isang serving, inawat lang namin. The next day, inaantay namin kung may bad effect ang cream o kung anumang dairy na nilagay sa soup. Wala naman. So check!!! Sa muling pagbabalik, mas maraming soup pa ang puwede niyang kainin.
Picture
First time sa high chair!
Picture
Tumitingin ng menu pero ang pwede lang naman sa kanya ay Soup of the Day.
Picture
Busog na!
 
Isang araw noong December. Sinubukan kong talian ang konting buhok ni Potling. Sabi ni Dadda niya, bagay daw. Parang hindi pa ako marunong.
Picture
 
Suggestment ni Ninang Kleyr, pakiinin si Potling ng yogurt gaya ng kinakapatid nitong si Gabgab. Ipaalam lang daw sa doktor. Pumayag si Dok. Ang next question na lang, gusto ba ni Potling!?!

Yes yes ohyesss!!!

Miyerkules, 02/24/10, sinubukan kong pakainin si Potling ng Mango flavored yogurt. Iniiyakan niya kapag tumitigil akong magsubo. The next day, Thursday, 02/25/10, Strawberry naman. Ganun ulit. 

Nakakatuwa na gusto ni Potling ng yogurt. Dahil ako, one year ago lang kumain ng yogurt. Masarap pala! Akala ko kasi ang yogurt ay panis na gatas and therefore all things associated sa panis hold true. Yan. 

Buti na lang!!!

Dadda more yogurt please!!!
Picture
From: http://farm4.static.flickr.com/3423/3749363555_3977405a6f.jpg